May isang hari ng Sulu ang inilibing sa Tsina noong unang panahon. Ang haring ito ay nagngangalang PADUKA PAHALA, at; minsan tinatawag din siyang PADUKA BATARA. Nangyari nga ito noong 1417...lumipas pa ang ilang dekada bago pa man naging sultanato ang Sulo.
Noong 1417, may naglayag na tatlong hari mula sa Sulo papuntang Tsina para sa isang deplomatikong misyon para makipagkilala at makipag-kaibigan sa Ming Dynasty na pinamunuan ng emperor na si Yongle.
Ang mga hari ngang ito ay sina PADUKA PRABHU or kilala sa tawag na the Cave King at si MAHARAJA KOLAMANTING or the Western King,at of course ang pinakamakapangyarihan sa kanilang tatlo ay si PADUKA PAHALA o PADUKA BATARA na kilala na man sa tawag ng the Eastern King.
Ang delegasyon o misyong ito ay binubuo ng 343 katao na gustong makipag kaibigan sa napaka-makapangyarihang emperor sa kanilang panahon.
Dumating sila mula Agosto hanggang Octobre ng 1417. Ang mga haring ito may dalang napakaraming mamahaling regalo at kayamanan para ibigay sa emperor ng tsina na si Yongle.
Nung sila'y dumating ay tinaggap sila ng napakabonggang pasalubong at napakaraming pagdiriwang ang inihahanda ng Ming Dynasty sa kanilang pagdating.
Si emperor Yongle ("Perpetual Happiness) ng Ming Dynaty sa Tsina sa panahong ito ang pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo...na kinikilala niya ang tatlong hari mula sa Sulo bilang kapwa hari at hinid isang pinuno lang na tribu.
Mayroon 3 lamang na kaharian bago pa man ang panankop ng kastila sa Pilipinas na kinilala ng emperor ng tsina bilang mga hari. Ang mga kahariang ito ay ang Sulu, Butuan at Lusuong.
Sila kasama na ang buong delegaddo ay trinato na may pinakamataas na antas na respeto at magandang pakikitungo mula sa Ming Dynasty.
Itong pagtatagpung ito; ito'y nangangahulugang pinakamatagumpay ng deplomatiko ng dalawang kaharian upang patatagin ang pagsasama at pagkakaibigan ng Sulu at Tsina.
Katanuyan nga, binigyan pa ng emperor ang mga hari ng napakaraming kayamanan at binigyan pa ng Military Escort sa kanilag pag-uwi.
Sa kasawiang palad, dahil sa kanilang mahabang paglalakbay ay nagkasakit at namatay si Paduka Pahala o Paduka Batara sa Bayan ng Dezhou na kabilang sa probinsiya ng Shandong sa Tsina.
Nag marinig nga ni Emperor Yongle ang balitang pumanaw ang kanyang kaibigan na si Paduka Pahala ay labis iton nalungkot...sa katunayan nga nito ay ay inutos ng hari ng tsina na ang lahat ng kanyang sinasakupan na magluksa sa pagkamatay ng kanyang mahal na kaibigan at ginawaan siya ng Emperial funeral na para lamang sa hari at ito nga ay makikita sa kanyang puntod na may mga magagarang desenyo na para lamang kay Paduka Pahara at katabi nga ng puntod niya ay pinagawaan ng kabahayan o nayon upang bantayan ang puntod ni Paduka Pahara. Itong kabahayan nga na ito at ang puntod na ito ay nakatayo at makikita pa rin hanggang ngayon. Ito nga ang isa sa pinakasikat na destinasyon ng mga turista at pilgrimage sa siyudad ng Dezhou.
Pagkatapos mailibing si Paduka Pahara, ang kanyang unang asawa at panganay na anak nila ay bumalik sa Sulu habang naiwan naman ang kanyang pangalawang asawa at dalawang anak para sundin ang nakaugaliang tradisyon na maglaan ng 3 taon na pagluluksa. Lumipas nga ang 3 taon, ang kanyang pangalawang anak na si Wenhali at ikatlong anak na si Antulu, kasama ang 18 na mga alagad ay piniling magpa-iwan sa tsina upang bantayan at alagaan ang puntod ng kanilang pinakamamahal na ama na si Paduka Pahala at sila naman mainit na tinaggap ng mga tsinong muslim at may natatanggap pang pensiyon mula sa emperor. Mapa-hanggang ngayon, ang mga descendant ni Wenhali at Antulu ay nakatira pa rin sa nasabing lugar, at libu-libung sa kanilang descendant na may apelyidong Wen at An ang nabubuhay ngayon sa buong tsina.
Ito ang isa sa pinaka unang matagumpay na deplomatiko sa pamamagitan ng China at Philippines.
Dahil nga sa pangyayaring ito ay makikita natin ang sinaunang makasaysayang pakikipagkaibigang ito ang labis na pagmamahal, pagkilala at pagrespesto ng mga sinaunang tsino sa ating mga ninuno.
Panuorin ang bidyong ito:
Ano ang pinaka mahalagang natutunan mo sa makasaysayng pakikipagkaibigang ito ng sinaunang tsina at pilipinas?
© 2023 DepEd Open Educational ResourcesA DepEd OER Group.All Rights Reserved.

0 Comments