Nagpaunlak ng panayam sa midya si Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon Sara Z. Duterte upang talakayin ang mga hakbangin ng Kagawaran ng Edukasyon kaugnay ng nilabas na DepEd Order No. 34, s. 2022 o ang School Calendar and Activities for the School Year 2022–2023.
Nilinaw ni Pangalawang Pangulo at Kalihim Duterte ang mga pamantayan ng Kagawaran sa pagpapatupad ng limitadong face to face classes sa buong bansa.
Pinaalalahanan din ng Kalihim na ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22 ay inaprubahan ni Pangulo Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. Samantala, nilinaw rin ni VP Duterte na hanggang Oktubre 31 na lang pinahihintulutan ang implementasyon ng blended at distance learning. Kinakailangan nang ipatupad ng mga pampubliko at pribadong paaralan ang limang araw na in-person classes simula Nobyembre 2.
Kasama rin sa tinalakay ang masinsinang pagsilip ng Kagawaran sa K to 12 curriculum, ayon na rin sa direktiba ng Pangulo, at ang magiging prayoridad ng Kagawaran sa pagbuo nito ng badyet para sa susunod na taon, na ibabatay sa Basic Education Development Plan (BEDP) 2030.
Source: DepEd Philippines
0 Comments