Tinaasan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang ceiling sa Provident Fund (PF) loans upang mas matulungan ang mga guro at kawani sa kanilang pangangailangang pinansyal.

“Even as we are seeing the light at the end of the tunnel of this public health situation, we are determined to implement financial policies that can help our teachers and personnel fully recover from the impact of the pandemic," ani Kalihim ng Edukasyon Leonor Magtolis Briones.

Sa inamyendahang kautusan na nagbibigay ng Maximum Loanable Amount at nagtatalaga sa mga Approving Authorities sa ilalim DepEd Provident Fund Program, ang ceiling para sa PF Multi-Purpose Type Loan ay P100,000, habang sa Additional Loan (for extreme cases) Type naman ay P200,000, mula sa dating ceiling na P100,000. Samakatuwid, ang isang miyembro ng Provident Fund ay maaari nang makahiram ng mahigit P300,000 mula sa Provident Fund.

Ang mga benepisyaryo ng pondo ay mga guro at kawani mula sa central, regional, division, at iba pang field offices ng Kagawaran na permanente at regular na empleyado at maaaring sumailalim sa opisyal na payroll deductions. 

“By adjusting the ceiling of additional PF loan for extreme cases by Php 100,000.00, we have provided our DepEd Regional Provident Fund (PF) Chapters more flexibility to assist our field personnel on their financial needs,” saad ni Pangalawang Kalihim sa Pananalapi Annalyn Sevilla.

Sa inamyendahang pagtaas ng parehong PF loans, ang contractual interest rate ay anim na porsiyento kada taon. Ito ay maaaring bayaran mula isa hanggang limang taon, depende sa kakayahan ng kawaning nanghiram, na nakailalim sa net take-home requirement na itinakda sa ilalim ng Authorized Deductions, General Provisions of the Annual General Appropriations Act.

Higit pa rito, ang mga mag-aapruba para sa nasabing loans kada PF Chapter, bilang dagdag sa DO 37, s. 2018, ay ang mga sumusunod: 

1. Para sa Central Office Chapter, ang Recommending Approval ay mula sa Puno ng PF National Board of Trustees (NBT) Secretariat, at ang pag-apruba ay manggagaling sa Pangalawang Kalihim sa Pananalapi.

2. Para sa Regional Offices, ang Recommending Approval ay magmumula sa Puno ng Regional PF Board Secretariat, at ang pag-apruba ay mangagaling sa Regional Director.

3. Para sa Schools Division Office, ang Recommending Approval para sa Multi-Purpose Loan, ay magmumula sa Puno ng Schools Division PF Board Secretariat, at ang pag-apruba ay manggagaling sa Schools Division Superintendent (SDS). Samantala, para sa Additional loan, ang Recommending Approval ay magmumula sa SDS at Puno ng Regional PF Board Secretariat, at ang pag-apruba ay mangggaling sa Regional Director.

Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa patnubay at sa PF loans, makipag-ugnayan sa Employee Account Management Division, sa PF NBT Secretariat, at sa co.provident@deped.gov.ph o sa telephone number (02) 8633-7248.

[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/.../deped-increases-ceilings-of.../]

#SulongEdukalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo

Source: DepEd Philippines